Sunday, August 21, 2016

Gusto Ko Sanang Dumami Kami

Sunday ngayon. Church kanina. May Sunday School. May small group. May practice pa ng music team para sa next Sunday. Maraming activities ang nagpupuno sa oras tuwing Linggo. But I came home longing.

Gusto ko sanang dumami na kami. Mag-5 years na akong pastor sa church kung saan ako dinala ni Lord pero hindi pa rin kami dumami towards sa sinasabi nga sanang critical mass. Hanggang ngayon kami-kami pa rin. Maraming mga kabataang tumanda na pero kami kami parin. May mga napapadaan lang sa church. May ilan din namang umalis. May ilan na naghahanap nung mga ginawa naming activity na hindi kayang i-sustain dahil nakakadrain. Ang resulta--kami kami pa rin.

Gusto ko sanang dumami kami. Sa totoo lang may mga nadagdag naman.May mga nakasama na kami na talagang bago. Mga sunday schooler na umusbong ang binhing naitanim sa kanila. May ilan din namang mga naibitahan na nanatili. Pero pagkalipas ng ilang panahon kami-kami pa rin.

Gusto ko sanang dumami kami. Yung tipong hindi lilipas ang isang buwan na may bago sanang mapapadaan sa church. Yung tipong palaging may bisita. Yung bisita na maaring bagong lipat na naghahanap ng home church na kabibilangan. Yung bisitan na naimbitahan ng isa sa aming mga kasamahan at maakay nang tuluyan upang magkaroon ng lumalong relasyon sa ating Panginoong Hesus. Yung bisitang mananatili at darating ang mapahon na masasabi mong kami-kami na rin.

At the end of the day sa totoo lang, minsan nakaka-konsensya at nakaka-guilty dahil ang feeling ay wala kang ginagawang paraan para matupad ito. Para akong na-di-depress kasi nga gusto ko sanang dumami kami.

So inilathala ko ito bilang tanda ng aking panalangin sa Dios. Panginoon, hubugin niyo po ang MCF-Olandes upang tunay na maging isang samahan ng mga tagasunod ni Kristo na kagigiliwan ng mga tao ang pagiging kabilang dito. Una dahil nararanasan namin Kayo--ang buhay na Dios, na kumikilos tuwing nagsasama-sama kami at sa mga personal naming mga buhay at ikalawa, dahil sa mga taong binabago mo na kabilang na sa church. Amen