Tuesday, June 23, 2015

Handa Ka Na Ba?

"Kuya, Handa ka na ba?", tanong ng isang kaibigan sa akin na alam ko namang nagmamalasakit sa isang aspeto ng buhay ko na malapit ko nang suungin. Ang sagot ko sa kanya ay tanong din. At dahil napag-isip ako ng lubos sa sa kanyang tanong, napagtanto ko na hindi pa nga ako handa. Marami akong kinakatakutan, may mga bagay na hindi ko alam kung paano at kung ano ang mangyayari. Bigla akong pinanghinaan ng loob. Paano ko susuungin ang isang buhay na hindi ako sigurado--na parang nag-aalangan pa rin ako? Papaano nga ba? makalipas ang maraming sandali ng pag-iisip habang nakatingin sa kawalan, pumasok sa isipan ko ang sagot: Ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon ay dahil sa pag-udyok ng Dios at pagpapaliwanag ng Dios sa aking isipan na ang lahat ng mga kadahilanang pumipigil sa akin upang suungin ito ay mga dahilan na hindi dapat ako ang punong nag-iisip kundi Siya, dahil Siya ang tumawag sa akin sa buhay na aking ginagalawan ngayon. 

Lahat ng mga pangyayari ay nag-ugat mula sa Dios, at maaring tunay nga na kung sa aking sarili ay hindi nga talaga ako handa, ngunit ang kahandaan ko ay isinasandig ko sa Dios na humimok sa akin na panahon na, maari na at wala ng kadahilanan pa upang pigilan mo pa ang aking arili. 

Sa ngayon, malapit ng matapos ang itinakdang panahon para sa pananalangin, panahon na ng pagkilos. Panginoon, gabayan mo po ako. Wala po akong alam, turuan Niyo po ako. Maraming salamat po. Ang lahat po ng papuri ay tanging sa Inyo po lamang.

Friday, June 5, 2015

Excited.

Lord, ang general feeling ngayon ay excited. Parang inaanticipate ko na ang mga mangyayari. From time to time nakakapag-isip ng mga complications, but still very much excited. Very much different noon. noon kasi larang desperate ang hitsura--"Gagawin ko ito para matapos na!" But this time, "Let's get in on!" ang peg. Nagpapasalamat po ako sa Inyo, Lord, dahil anuman po ang mangyari, whether in favor or not in favor, ito po ay galing sa Inyo! May dakila po Kayong plano, at susunod ako! 

Tuesday, June 2, 2015

Set In Motion

Lord, last March, You have set something in motion in my life. Things that I kept in the back burner are now front and center. For these past few Mondays, my heart has been aching and longing for something life changing for me. You have begun to prepare me, to strengthen me, nudging me to embrace things that are beyond me. Time and time again, I feel that this is a losing battle. That what is happening is totatlly against my favor. What I am holding to is this season of prayer that I believe You have set in motion. I choose not to be discouraged. I choose to fight. I choose to cling on what I believe You have set in motion. So Lord whatever is the ending if this story. Wherever this would take me. I would still cling to You! In the triumph or maybe in the pain--I choose You!

And whatever happens, these are blessings from You!

I love You, God!