Tuesday, June 23, 2015

Handa Ka Na Ba?

"Kuya, Handa ka na ba?", tanong ng isang kaibigan sa akin na alam ko namang nagmamalasakit sa isang aspeto ng buhay ko na malapit ko nang suungin. Ang sagot ko sa kanya ay tanong din. At dahil napag-isip ako ng lubos sa sa kanyang tanong, napagtanto ko na hindi pa nga ako handa. Marami akong kinakatakutan, may mga bagay na hindi ko alam kung paano at kung ano ang mangyayari. Bigla akong pinanghinaan ng loob. Paano ko susuungin ang isang buhay na hindi ako sigurado--na parang nag-aalangan pa rin ako? Papaano nga ba? makalipas ang maraming sandali ng pag-iisip habang nakatingin sa kawalan, pumasok sa isipan ko ang sagot: Ang lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko ngayon ay dahil sa pag-udyok ng Dios at pagpapaliwanag ng Dios sa aking isipan na ang lahat ng mga kadahilanang pumipigil sa akin upang suungin ito ay mga dahilan na hindi dapat ako ang punong nag-iisip kundi Siya, dahil Siya ang tumawag sa akin sa buhay na aking ginagalawan ngayon. 

Lahat ng mga pangyayari ay nag-ugat mula sa Dios, at maaring tunay nga na kung sa aking sarili ay hindi nga talaga ako handa, ngunit ang kahandaan ko ay isinasandig ko sa Dios na humimok sa akin na panahon na, maari na at wala ng kadahilanan pa upang pigilan mo pa ang aking arili. 

Sa ngayon, malapit ng matapos ang itinakdang panahon para sa pananalangin, panahon na ng pagkilos. Panginoon, gabayan mo po ako. Wala po akong alam, turuan Niyo po ako. Maraming salamat po. Ang lahat po ng papuri ay tanging sa Inyo po lamang.

No comments:

Post a Comment